Saturday, November 17, 2012

Number one fan ko

Narinig na ba ninyo ang pahayag na, "tangkilikin ninyo ang sariling atin"? Saan natin ito naririnig? Minsan, nababanggit ito sa eskwelahan o sa mga pulitiko o sa mga komersyal sa telebisyon. Tangkilikin natin ang mga gawang Pinoy. Tangkilikin ninyo ang pelikula/musikang Pilipino. Tangkilikin ang sapatos ng Marikina. O di kaya'y nagpapasalamat sila sa pagtangkilik sa kanilang produkto o serbisyong ginawa.

Minsan natanong ko sa sarili-- paano kung niyaya kang tangkilikin mo ang isang bagay na ayaw mo naman tangkilikin? Yung tipong hindi mo gusto? Halimbawa, may isang pulitikong nakipagkamay sa akin. Sabi nya, "Iha, ituloy natin ang pagtangkilik sa mga programa ng ating lokal na pamahalaan. Tangkilikin natin ang mga ito."  --Aaah, parang gusto kong sabihin noong mga panahong iyon na palitan at gandahan muna nila ang kanilang programa, at kapag nagkataon, makatitiyak sila ng pagsuporta ko.

Kapag sinabing tinatangkilik ko ang isang bagay, higit yan sa pagsubaybay lang. Higit sa pagsuporta lang. Kapag sinasabing tinatangkilik mo (halimbawa, ang musikang Pilipino), sinusubaybayan mo ito, sinusuportahan mo, ipinagmamalaki mo at sumasama ka sa paglago at pagpapalago nito-- at ginagawa mo ito dahil, gusto mo ito, natutuwa ka at naniniwala ka sa taglay na potensyal at kagalingan nito. Isa kang dakilang "fan" kumbaga.

Ang tugon natin sa salmo ngayon-- "Diyos ko, ang aking dalangi'y ako'y iyong tangkilikin." Naunawaan ba natin ang ating panalangin? --- Hinihiling natin na tayo'y tangkilikin. Na tayo'y suportahan, ipagmalaki, magustuhan. Na ikatuwa tayo. At, sino ang kausap natin? Walang iba kundi ang ating Diyos. Hinihingi natin ito sa ating Diyos sa langit, Amang Makapangyarihan. Diyos. Bigla akong napatigil. Siguro, nung niyaya ako nung barangay captain namin na tangkilikin ko ang programa nila, tinitingnan niya ako bilang isang hamak na estudyante. Isang tao lang sa napakalaking populasyong sinasakupan niya sa aming barangay. Pero, ngayon, ako-- kinakausap ang Diyos para tangkilikin ako. Meron bang pwedeng ikatuwa sa akin ang Diyos? Meron bang bagay sa aking buhay na pwede niyang tangkilikin? magustuhan? ipagmalaki?
Parang mas marami pa akong nagawang mali na mas madaling ikahiya kaysa ipagmalaki. Eh kung tulad ko sa barangay captain namin, ganun din ang isipin sa akin ng Diyos? "Magpakabuti ka muna, bago kita tatangkilikin."

PERO, hindi. Alam kong hindi ganoon ang ating Diyos. Hindi ganoon ang Diyos na sinasamba at pinupuri natin. Hindi Niya tayo tinitingnan sa ating mga nagawang masama (dahil kung ganun, malamang, wala na akong mukhang maihaharap). Nauuna ang kanyang pag-ibig sa atin. Proud Siya sa atin... wala pa man tayong ginagawa. Dahil alam Niyang mayroon tayong kayang gawing magaling at mabuti. Siya kaya ang gumawa sa atin at naniniwala Siya sa atin. Nauuna Niyang nakikita ang kabutihan at pag-ibig sa ating puso. "Iyang anak Ko, nagsisimba iyan tuwing linggo. Madalas akong kausapin, kahit maraming problema... sa Akin siya lumalapit... mahal na mahal niya ang kanyang magulang, ang kanyang mga anak... Siya naman, kahit minsan napapabisyo, masipag yan... malinis ang kanyang ginagawang trabaho... Ito namang anak kong ito, kahit na maraming kaaway, gagawin niya ang lahat maipagtanggol lang ang kanyang mga minamahal na anak... Itong magaling kong anak naman, kahit na minsan kinakabahan habang nagsasalita sa simbahan at nabubulol sa harapan, tuwang-tuwa ako sa kanya dahil sinusubukan niyang harapin ang takot para lamang maipahayag ang salita Ko."

At naniniwala akong hindi lang tayo ipinagmamalaki at tinatangkilik ng ating Diyos... Siya mismo ang nagbibigay sa atin ng landas ng buhay. Itinuturo niya sa atin ang tama at magaling na hantungan. Kahit na minsan, nahihirapan tayong sundin. Nahihirapan tayong gawin ang tama... na kadalasan, nahihiya na tayong lumapit sa Kanya dahil sa sunud-sunod nating pagkakamali... gagawa pa rin Siya ng paraan upang mapalapit sa atin. Gagawa pa rin ang ating Diyos ng paraang maging magaling tayo at karapat-dapat ipagmalaki. Gagawa pa rin ang Diyos ng paraan! Sabi nga rin sa Salmo, "Pagkat di tutulutan ng Diyos na ang mga mahal Niya ay malagak sa balon ng mga patay..."

Hinding-hindi Niya hahayaan iyon, dahil mahal Niya tayo. Hindi Niya hahayaan iyon dahil naniniwala Siya sa ating kakayahan. Number 1 fan kaya natin Siya. Kung ikaw ba, number 1 fan ng isang artista, hahayaan mo bang malaos yang idol mo? Malamang hindi, siyempre gagawa ka rin ng paraan para makatulong. Eh, paano kung ang Diyos ang number 1 fan mo? Paano mo pa kaya maiisip ang kabiguan? Nakakatuwa no? Astiiiig talaga ang Panginoon natin! Kaya't tayo'y magdiwang at magalak dahil ang Diyos ang ating kasama. Kasabay nito ang ating panalanging patuloy pa nating subuking ayusin ang ating sarili. Kasabay nito ang panalanging tulungan tayo ng Panginoon para lalo pa tayong karapat-dapat tangkilikin. Dahil hindi tayo matitinag kapag ang Diyos ang lahat sa ating buhay. :)


Yey! :)


November 18, 2012 (Ika-33 linggo sa karaniwang panahon)
B    –D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin!

*     Ikaw lamang, Panginoon, ang
lahat sa aking buhay, ako’y iyong
tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay kahanga-
hangang tunay. Nababatid ko na ika’y
kasama ko oras-oras, sa piling mo
kailanma’y hindi ako matitinag.      B.
*     Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang
diwa ko’y nagagalak, ang lagi kong
nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal
mo ay malagak, sa balon ng mga
patay upang doon ay maagnas.     B.
*     Ituturo mo ang landas na buhay
ang hahantungan, sa piling mo’y
madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng
ligayang walang hanggan.    
B.

Sikretong Malupit



May sikreto akong sasabihin sa inyo. Itong sikretong ito, matagal ko nang tinatago. Pero ngayon, isisiwalat ko na sa inyo. Hindi ko na kasi magawang itago pa ito. Kahit na mahirap umamin, mas mahirap kung itatago ko pa ito. Handa na ba kayo? ...Nais kong malaman ninyo... umm... na... ako ay... isang... ako ay isang... robot. Isa akong robot na ginawa rin ng isang taong katulad ninyo. Napakagaling ng teknolohiyang gumawa sa akin. Hindi mo mahahalata sa akin ang pagiging isang robot. Hinulma ako na itsurang tao. Mayroong computer ang nag-uutos ng aking mga kilos at galaw at mayroong programa ang aking katawan na binibigyan ako ng talino at kakayahang magsalita sa harap niyo ngayon. Mayroon akong mga bahagi ng katawan tulad ng sa inyo, pero lahat iyon artificial. Hindi iyan alam ng aking nanay. Dahil nang isinilang at pinalaki niya ang taong si Junette, hindi niya alam na may isang scientist na masyadong nahumaling sa ganda at sa galing ng batang iyon, ehem, kinopya niya ang bawat detalye, bawat aspeto, bawat katangian ni Junette. Kaya, ito ako ngayon.
Pero! hindi lang iyan ang aking sikreto! Aaminin ko na rin na matagal na akong nagtataka. Sabi ng utak ko, kayong mga tao, masaya. Kayong mga tao, may kakayahan manalangin nang taimtim at mula sa puso, kakayahang magmahal, kakayahang magpuri, kakayahang magalak at magpasalamat sa lahat ng mga nangyayari sa inyong buhay. Ako, kaya ko naman gawin din ang manalangin, magpuri o kahit na ang magpasalamat. Ngunit, hindi ko alam kung bakit ginagawa iyon. Hindi ko alam kung ano ang pagmamahal. Hindi ko alam ang pagiging masaya o malungkot. Hindi ko alam bakit kailangan magpuri. Kung ano lang ang ibinigay sa akin, hanggang doon lang ang kakayahan ko, pero, wala akong nararamdaman. Kung lagyan ako ng programa kung paano magnakaw, gagawin ko. Pero, hindi ko alam kung bakit sinasabi ninyong masama iyon.
Tingnan mo nga ang mga kasama mo ngayon. Hawakan mo at kurutin ang pisngi. Tanungin niyo, "Tao ka ba o robot?" Anong sagot?
Sabi sa salmong tugunan ngayon, "Pinupuri ang Poong Diyos ng ating mga kaluluwa..." Ang mga robot ba may kaluluwa?


Espiritu Mo’y suguin, Poon,
tana’y ‘yong baguhin!


Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong
aking kaluluwa, O Panginoong Diyos,
kay dakila mong talaga! Sa daigdig
ikaw, Poon, kay rami ng iyong likha,
sa dami ng nilikha mo’y nalaganapan
ang lupa.   B.
* Natatakot mangamatay kung
kitlin mo ang hininga; mauuwi sa
alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay
ay ibalik, bagumbuhay ay dulot mo
sa nilikha sa daigdig.  B.
* Sana ang ‘yong karangala’y
manatili kailanman; sa lahat ng iyong
likha, ang madama’y kagalakan. Ang
awit ng aking puso sana naman ay
kalugdan, habang aking inaawit ang
papuri sa Maykapal.

Sunday, June 10, 2012

Kay Sarap ng Buhay

Ngayong linggong ito, madalas akong gumising ng napakaaga- mga 5am/6am. Bakit? Dahil, nagjojog ako. Nagjojog ako sa palibot ng barangay namin. Nagjojog ako at umaabot ako sa kung saan-saan. At, pagkatapos kong pagpawisan, uuwi ako at magluluto ng almusal. (Late magising ang mga tao sa bahay eh). Ngunit, tinatakal ko na rin ang lahat ng aking kainin, at itatapat ko sa isang calorie table na hinanap ko sa internet. Pagkatapos kong kumain, maliligo ako, maghahanda para pumasok. Sa pagpasok ko, kakain ako ng kaunting tanghalian, kaunting meryenda. Masaya akong uuwi sa pakiramdam na nakapagbawas ako ng ilang timbang.
Alalaong baga'y... pagsapit ng gabi, sa aking pag-uwi sa bahay, isang kahindik-hindik na eksena ang sasalubong sa akin. Isang eksenang pilit tinatakasan, pilit iniiwasan ng mga "figure conscious" na tulad ko. Ito ang eksenang makikita mo ang iyong ina, dala-dala ang isang umuusok na kawali para isalin ang kanyang nilutong putahe sa lalagyanan ng ulam, at ipinagmamalaking iwinawasiwas ang sandok na tila nanghahalina sa'yong kumain ng kanyang pinaghirapang lutuing pagkain.
"Ma, busog pa po ako," isang katagang hindi mo kaagad-agad masasabi dahil alam mong magdudulot ito ng kalugmukan sa kanyang araw, isang katagang maaaring magligtas sa'yo at maglalayo sa'yo sa tukso ng pagkain.
"Ayaw mo bang tikman ang niluto ko?" isang tanong na alam mong kahit ano pa man ang sagot mo'y wala ka nang magiging lusot kundi ang maupo sa hapagkainan at tikman ang kanyang masarap na niluto.
At dahil napunta ka na sa bitag ng iyong ina, mahalimuyak na pananalita ang kanya pang idadagdag, "Ayaw ko lang kasing magkasakit ka. Ayaw ko lang na humina ang pangangatawan mo."

Ganoon ang pagmamahal ng aking ina. Ayaw niya man akong pumayat (hindi ko rin alam kung bakit), higit na ayaw niya akong mapahamak. Ayaw niya akong magkasakit at mahirapan pa. Parang ganoon din siguro ang ating Panginoon... Kaya Niya tayo iniimbitahan na makisalo sa Kanya, ay upang mapabuti ang ating kalagayan dahil ayaw Niya tayong mapahamak. Ganoon din ang ating Panginoon, na isang pagpapakita ng pagmamahal ay sa pamamagitan ng pagkain-- pagkaing magpapalakas, magpapalusog sa atin. At kung paano pinaghirapan ng aking ina mapasarap ang kanyang niluluto upang maging magalak ang kanyang mga anak, ganoon din pinaghirapan ng Panginoong ang pagliligtas sa atin, ang kanyang pag-aalay ng sariling buhay upang mayroon tayong mapagsasaluhan sa komunyon.

At kung  paanong walang hinihinging kapalit ang aking ina sa pagpapakahirap niyang magluto ng masarap na ulam kundi ang makisalo kami kasama niya at magalak sa kanyang inihain, ganoon din ang Panginoong walang sawang nag-aanyaya sa ating makisalo sa kanyang pinaghirapang handaan, tuwing misa, na walang hinihinging kapalit kundi ang makapiling tayo sa handaan at masarapan sa alay Niya para sa atin.

O, kay sarap kumain sa piling ng mga nagmamahal sa atin. :)

Tuesday, May 15, 2012

waiting and loving...

Waiting and...

I know of many people my age who are so excited getting into a relationship. And when I say relationship, I mean the usual boyfriend-girlfriend relationship (well, sorry for the heterosexual outlook, but... okay fine-- ___friend-___friend relationship for my homosexual friends.*). And I have to admit that I, too, was and is still excited and eager and dying to be in one of those cheesy-corny-kilig relationships with someone whom I... ummm, well... "love".
But as I wait patiently for this "right" person, I ponder on the characteristics I am looking for. May friend akong nag-advise sa akin na gawin iyon. To create a list and set at least 5-10 characteristics. Then, sabi niya, I pray for that person. I ask God for that person, and seek His advice too. :) Tapos, nakakatuwa dahil habang pinagninilayan ko kung ano nga ba yung ilalagay ko sa list na iyon, may mga biglang nag-aadvise sa akin ng kung ano yung kailangan at dapat sa akin.

"Alam mo, kailangan mo ng lalaking makapagpapatawa sa'yo..."
"Bakiiiit naman?"
"Kasi, seryoso kang tao. Front mo lang 'yang pagiging masayahin mo. Hindi ko naman sinasabing kaplastikan lahat 'yan... Pero, alam kong ayaw mo lang ng drama... Ayaw mong nakikitang umiiyak ang mga tao; sa isang group, ayaw mong seryoso lahat, ayaw mong may tension; or kahit sa party, ayaw mong bored ang mga tao... kaya ka nagpapatawa. Pero, malalim kang mag-isip. Lahat iniisip mo. Lahat prinoproblema mo. Kaya nga, maraming lumalapit sa'yo... Kasi alam nilang kahit papaano, concerned ka sa kanila."

(Sorry na, propeta kausap ko eh. Haha!) Kidding aside, sapul talaga ako sa mga sinabi niya. Pero, sa totoo lang... kailangan ko ng 1 full minute - thinking time para marealize na tama yung mga sinasabi niya. Na ganoon nga ako. At kumbaga, parang valid ang lahat ng sinabi niya dahil ang nagsabi mismo nito ang isang taong nakakakilala sa akin mula ipinanganak ako, at alam ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay.

---ilalagay ko naman dito yung buong listahan. May huling kuwento na lang ako sa isa ko pang criteria. :)

Yung isa ko ring criteria, parang nakikipag-haggle ako kay God. Haha! Sorry, Lord!
Ganito kasi iyon: isa akong batang misyonero. Nag-eenjoy akong pumunta sa iba't ibang lugar upang makisalamuha sa mga tao... upang magpahayag ng mga aral ng simbahan. At kapag sinabing iba't ibang lugar-- meaning, kabundukan, kagubatan, kaburulan, kapatagan, kalangitan... Enjoy talaga lalo na kapag nagcocommute ka. Para kang jet-setter, hiker, mountain climber, adventurer. Kaya yun. Iyon lang. Haha. The End. Hahahaha. Labo?
Lols.
Minsan kasi, habang naglalakad ako mag-isa sa mga barrio, naisip kong astig pag may kasama kang maglilingkod din. Siyempre, "medyo" madali namang magyaya ng mga kaibigan... Pero, naisip ko kasi na, ang sarap ding magbitbit ng ehem-boyfriend-ehem (na magdadala ng gamit mo, na magbabayad ng pamasahe mo.. JOKE!!!) na nag-eenjoy din sa ganoong mundo. Ganoong pakikisalamuha sa tao. Ganoong paglilingkod. Na habang naglalakad kaming naka-holding hands (yiiiiii. haha. cheesy na sobra. i dieeee), na super inspired magpunta kung saan-saang dako ng mundo para magdasal at manalangin kasama ang ibang tao. (yehes. parang pelikula, amp.)
Kaya sabi ko kay Lord, bigyan ako ng boyfriend, ASAP! Hahaha. Para lalo pa akong ganahan sa ministry. Para sabay kaming maraming mabebless. Hahaha! Eh ngayon, ayaw ata ni Lord na masaya ako, kaya hindi Niya pa ako binibigyan. JOKE.

ANO NA SINASABI KO ULIT? haha. ayun, criteria ko rin sa lalaki ang: God-loving (mas kongkreto at mas madaling unawain kaysa God-fearing eh) at "servant" or willing to serve God. God-loving in the sense na he can and he prays lovingly to God. Or kahit atleast, willing to know and love God. And kung ganoon, dapat willing din to serve God. Hindi ko naman sinasabing kailangan siyang laging sumama talaga sa akin sa mga pinupuntahan ko. Naiintindihan ko naman kung inuuna niya family niya (another criteria!) or ang pagtulong sa bahay (another criteria)... Pero, kahit atleast 3 times lang na makasama siya sa amin. Or kahit in his own way, kung nagseserve siya sa kanila, or whatever. Yun na yun. Haha.

Mahirap kasi yung hindi niya nauunawaan yung mga pinaggagagawa ko. Mahirap yung ma-tag pa akong heretic. Hahaha! I mean, mahirap kasi na hindi niya maiisip na importante yung ginagawa ko, na mas mahalaga talaga iyon sa akin. Lagot na siya-- sa nanay ko pa lang. :) Pero, dahil iyan ang criteria ko, alam kong bibigyan ako ni God ng naaayon doon. Lalo na, kung ang dahilan ko ay mapalapit sa kanya. Pero, kung yung taong meant for me ngayon ay hindi pa ganyan... bilis-bilisan mo na. Haha! Dali, sama kita sa feast! :P

Anyway, sa ikinahaba-haba pa ng kwento ko, sana'y buhay ka pa at willing ka pa rin magbasa-- ito ang 
aking list of traits:
TOP 1 - God-loving
2 - respectful (especially to parents/family)
3 - good sense of humor
4 - God's servant/ willing to serve God
5 - believes that he has a talent; uses his talent (kahit ano pang talent 'yan.)
6 - smart. (yung kayang maunawaan yung mga ibang pinagsasabi ko. haha.)
7 - knows how to do household chores (not for anything else, pero, this is meant for his parents.)
8 - thoughtful
9 - stable / independent (dahil stable na ako ngayon. hahahahahaha. joke.)
10 - not thin (haha, sa physical traits-- hindi payat. hindi super payat. hindi hanger. kasi.. basta! haha.)

Pero, ngayon, habang hinahanap ko pa ang guy na yun... sabi ng spiritual director ko, maghintay ako at the same time, ipagdasal ko, at the same time, iprepare ko rin ang sarili ko. kasi, kung ano yung mga nilagay ko diyan, dapat more or less, ganun din ako. :) MADALI YUNG # 10! :))) atsaka, ang relationship ayon sa aking pinaniniwalaan, ay para sabay kayong mag-improve bilang tao. :)

Kaya yun. Sa ngayon, enjoy muna. Dasal-dasal. Bargain-bargain kay Lord...

Hehe, pero, iniisip ko na rin kung sino ako pag nasa relationship. haha.

- hindi ako yung tipong magagalit kapag hindi ka nagtext.. hindi kailangang magtext ka everyday.. kasi, mahal ang load, at alam kong may iba ka pang buhay. gusto kong i-enjoy mo yung iba mo pang ginagawa.. :) Basta atleast, marunong ka rin magkuwento at magparamdam. :)
- effort ang love language ko. effort sa surprises, effort sa gift. basta effort, not necessarily mahal o pinaggastusan, or basta. yun.


eh. basta yan muna. :) hahaha.

Yieee, :) hahaha. sana, nainspire din kayo sa aking mga sinabi. sana, nabless din kayo habang naghihintay. continue on improving and preparing for your true love. :D

Friday, April 20, 2012

Roman Adventure

I was asked to write a reflection paper about my trip to Rome and other parts of Italy. As I try to recall what had happened during those days, I found myself dumbfounded. Thoughts and realizations kept flowing on my mind and I can't seem to organize what I really wanted to say. There are so many things learned and appreciated even before the actual flight to Italy. But I guess that would be another story. After all, I was supposed to put something about my experiences in Rome and not elsewhere. However, as I had written down on my little notebook the everyday events that had transpired in Rome, a distinct theme had echoed in my mind. From the huge, breath-taking, awe-inspiring churches, the delicious Italian dishes and cuisine, to the diversity of the cultures of people around us, one strong message was shouted to and at me: the Truth of God's love.
As I entered the different churches to pray, I couldn't focus on the message of the prayers, which was prescribed for me to read. As my group uttered some memorized prayers, my whole self was as if brought elsewhere in the holy sanctuary and was nearer to a gentle and smiling Jesus. In a gesture of an embrace, Jesus would welcome me in His holy presence and would tell me how much He loves me.
"My child, I love you so much and I want you to be always close to Me... I brought you to where the seat of your faith is...  Thank you for believing in Me... in My presence you will find your strength renewed."
Oftentimes, I heard those words from Him, every time we entered a church or a place of worship. And the truth dawned on me as we walked the paths where Jesus himself appeared or traversed (I was referring to the Scala Santa or Holy Steps where Jesus was brought before Pilate.). "I died for your sake, my dear child... this is how I love you."
Even the food that we ate during our stay in Italy manifested God's great love for me. For our lunch during the Good Friday, we ate fillet-o-fish and fries from McDonald's Fast food. As Catholics and christians should know, Good Friday is the day we commemorate the passion, suffering and death of Jesus Christ. And a practice of Catholics was to be "with" Christ in His sufferings, which means trying to atleast refrain from any form of pleasure and luxuries, especially on that certain day of the year. What had happened was far from any form of suffering... because I have been craving for a McDonald's meal all month long. And it was given to me on a Good Friday. I thought of not eating it anymore but then I thought that I shouldn't be wasting any food given to me (and especially because we paid for it). I closed my eyes, and I felt that I saw Jesus smiling again at me. "Child, don't worry. This is how I love you."
And with the truth of God's love, the diversity of peoples would remind me that Jesus didn't die for just me... but for the whole humanity. And it is a moral obligation to be loving, to be concerned to all people, and not just to those whom you feel comfortable with.
And I realized through the beautiful artworks, frescoes made by human hands, was to be the best in whatever you do, especially if it will glorify our God.